mga walang kwentang tanong
May 19th, 2008 by psychogrlmadalas ba kayong natatanung ng mga walang kwentang tanung?
sample:
"oh, kelan ka ikakasal?" - hindi ba over populated na ang pilipinas para dagdagan ko pa ng anak ngayon?
"mai boyfriend ka na ba?" -ikauunlad ba ng pilipinas kung magka boyfriend ako?
"bakit di ka pa nag graduate ng college?" - ayaw niyo nun, nakakadagdag ako sa pang sweldo ng mga guro sa pilipinas
"bakit ka nagpalit ng cellphone number?" - bakit? mahahanap mo ba yung nagnakaw dati para makuha ang sim card ko?
pero mai mga tanung din na kala niyo walang kwenta pero meron pala..
sample:
"kumain ka na ba?" - everyday question.. kahit na tunog walang kwenta meron yan.. eto ang explanation.. kundi ka pa kumain at mai mga bagay kang dapat gawin panu mo magagawa yun kung wala kang energy? kung babagal bagal ka, edi babagal bagal din ang usad ng tao sa paligid mo? halimbawa.. di ka pa kumain tapos nag drive ka.. eh nawawala na ang energy mo, edi nakaka cause ka ng slow traffic? madaming taong na aantala dahil mabagal ang drive mo.. madaming transaction na hindi na g get done with kasi nakaka cause ka ng traffic.. oh diba? so ikauunlad ng pilipinas ang concern na tanung na "kumain ka na ba?"